Martes, Nobyembre 25, 2014

Pio Valenzuela

                                                      

                              Pio Valenzuela

Si Pío Valenzuela (Hulyo 11, 1869–Abril 6, 1956) ay isang doktor, at bayaning Pilipino na isa sa mga pinuno ng Katipunan na lumaban sa mga Kastila noong Panahon ng Himagsikan. Ipinangalan sa kanya ang Lungsod ng Valenzuela na matatagpuan sa hilagang Kalakhang Maynila.Sinulat niya ang kanyang mga alaala ng Himagsikan noong dekada 1920, ngunit may mga dalubhasa sa kasaysayan ang naging maingat sa kanyang awtobiyograpiya dahil may ilang mga hindi tugma sa kanyang bersiyon ng mga pangyayari, partikular sa pagpulong niya kay José Rizal sa Dapitan noong 1896.Si Valenzuela ang unang alkalde (rehimeng Amerikano) ng munisipalidad ng Polo (Lungsod ng Valenzuela ngayon) mula 1899 hanggang 1900 bago naging gobernador ng lalawigan ng Bulacan mula 1921 hanggang 1925.Estudyante pa lamang si Pio Valenzuela (23 taong gulang) noon sa UST nang umanib siya sa bagong-tatag na Katipunan ni Andres Bonifacio noong 1892. Pagkaraan ng tatlong taon, naging kasapi siya ng Kataas-taasang Sanggunian ng Katipunan at paglaon ay nakasama sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto bilang ang tatlong pinakamataas na pinuno ng KKK. Gumanap ng mahahalagang gawain at mapapanganib na misyon para sa samahan, gaya ng pagpapalawak ng kasapian ng KKK sa mga probinsiya, paglalathala ng Kalayaan (pahayagan ng KKK) at pagkonsulta kay Rizal sa Dapitan ukol sa planong rebolusyon. Pagkaraan ng pagputok ng himagsikan, napasuko siya sa mga Kastila. Ibinilanggo, nilitis at pinarusahan ng habambuhay na pagkakakulong at ipinatapon sa bilangguan sa Espanya at paglaon sa Africa. Ibinalik siya sa Pilipinas kasama ng iba pang mga bilanggo sa panahon ng mga Amerikano. Napasok sa pulitika at naging municipal president ng Polo at gobernador ng lalawigan ng Bulacan paglaon. Pagkatapos ng buhay-pulitika, nagpatuloy sa paglilingkod bilang doktor ng bayan.  Nasaksihan niya ang paghihimagsik laban sa Espanya, ang pamamahala ng mga Amerikano, at ang pananakop ng mga Hapones at ang lagim ng Ikalawang Digmaang pandaigdig.  Namatay siya sa katandaan sa edad na 87 noong 1956. Noong 1963, ang dating bayan ng Polo ay naging bayan ng Valenzuela.Ang kanyang testimonya noong siya ay nakabilanggo, ang kanyang nalathalang memoir, at ang mga panayam sa kanya ng mga historyador ukol sa  kasaysayan ng Himagsikan, ay kinuwestiyon ng ilang mga manunulat na nagsabing hindi “reliable source” si Dr. Pio Valenzuela.  Sa mga pagkuwestiyon na ito, mahihiwatigan sa ilan ang pasaring na “taksil” si Pio Valenzuela sa Himagsikan, sa Katipunan. Nang siya raw ay sumuko, ipinagkanulo niya di-umano ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan sa mga Kastila. At dahil dito, pinarangalan pa nga raw si Pio Valenzuela sa Espanya. 


1 komento:

  1. The best titanium dog teeth implants & body care products
    Get your own titanium linear compensator exclusive offers & exclusive bonuses with new and existing cost of titanium employees!Titanium columbia titanium pants Art Studio is titanium dental implants and periodontics part snow peak titanium spork of the T-Rex and the T-Rex.

    TumugonBurahin